Pinatitiyak ni Senator Grace Poe sa Department of Transportation (DOTr) ang ligtas at sapat na transportasyon sa mga uuwi sa kani-kanilang mga probinsiya ngayong yearend holiday season.
Ayon kay Poe, ang kakulangan ng masasakyang public utility vehicle ay maaaring samantalahin ng mga colorum na sasakyan na maaaring magdulot ng panganib sa mga pasahero.
Dapat din aniyang paigtingin ng mga awtoridad ang pagbabantay sa mga “unauthorized for-hire vehicles” na kadalasang naniningil ng labis na pamasahe.
Nabanggit rin ni Poe na batay sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), aabot sa 5,455 ang nasawi dahil sa “transportation accidents” mula Enero hanggang Hulyo 2022 at na ika-12 rin sa mga nangungunang sanhi ng pagkamatay sa bansa.
Facebook Comments