Tiniyak ng Palasyo ng Malakanyang ang kaligtasan ng mga Pilipino sa Ukraine.
Ito ang pangunahing nasa isip at konsiderasyon ngayon ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay acting Presidential Spokesperson at CabSec. Karlo Alexei Nograles, ito ay kasunod na rin ng pag-atake ng Russia laban sa military infrastructure at border guards ng Ukraine.
Sinabi ni Nograles na nagsasagawa na ngayon ang pamahalaan sa pamamagitan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ng repatriation efforts sa mga Pinoy na nasa Ukraine.
Una nang sinabi ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na nailikas na sa ligtas na lugar ang mga Pilipino sa Ukraine o nagsagawa na ng in-country relocation habang wala pang ipinatutupad na mass repatriation para sa mga Filipino workers.