NCR, pinakamaraming naitalang gun ban violators ayon sa PNP

Nangunguna ang National Capital Region (NCR) sa may pinakamaraming nahuling lumabag sa gun ban kaugnay ng halalan 2022.

Sa datos ng Philippine National Police (PNP) ngayong araw, umabot na ito sa 462, kung saan karamihan sa lumabag ay mga sibilyan.

Mula nang simulan ang pagpapatupad ng gun ban sa bansa, umabot na sa 1,373 ang mga lumabag dito.


Nakumpiska naman ang 1,038 baril, 499 deadly weapons at 6,100 mga bala.

Habang nakapagsagawa na ang pulisya ng 1,243 operasyon sa iba’t ibang lugar upang mahigpit na maipatupad ang polisiya sa gun ban.

Facebook Comments