Pinaghahandaan na ang kaligtasan ng mga turistang inaasahang dadagsa sa Bolasi Beach sa San Fabian ngayong darating na mahal na araw.
Ayon kay Dominador Navarro, Punong Barangay ng Barangay Bolasi, inaasahan ang pagdagsa ng mga lokal na turista at beachgoers sa naturang lugar sa panahon ng Semana Santa.
Dahil dito ay patuloy ang kanilang mahigpit na pagbabantay sa dinarayong beach upang matiyak ang kaligtasan at seguridad ng mga bisita.
Binigyang-diin din nito ang pagiging responsable ng mga bumibisita, lalo na sa tamang pagtatapon ng kalat at basura upang mapanatili ang kalinisan at ganda ng beach.
Hindi rin pinapayagan ang pagpapatayo ng mga ilegal na istruktura malapit sa baybayin upang mapanatili ang maayos na itsura ng lugar.
Kaugnay nito ay ibinida naman ng Punong Barangay ang mga water activity na maaaring subukan ng mga bibisita at mga cottage na maaaring i-avail ng mga nais pansamantalang manatili sa nasabing beach. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣







