Nais ng Department of Education (DepEd) na tiyakin ng mga pamunuan ng mga eskwelahan ang kaligtasan ng mga pagkain ng mga estudyante ngayong pinayagan na rin ang pagbubukas ng mga school canteen.
Ito’y upang hindi na lumabas pa ng school premises ang mga estudyante tuwing breaktime.
Ayon kay Atty. Michael Poa tagapagsalita ng DepEd, dapat tiyakin ng mga school head at mga nangangasiwa sa mga canteen na sariwa at masustansiyang pagkain ang ibibigay sa mga estudyante.
Dapat din na magsagawa ng regular na disinfection sa mga gagamitin tulad ng kutsara, tinidor, baso, pinggan at iba pa.
Pero, payo ng DepEd sa mga magulang, mas makabubuti umanong pabaunan na lamang ang kanilang mga anak para mas nakatitiyak ang mga ito sa kanilang kaligtasan.
Facebook Comments