Ilang aplikante, na-hire on the spot sa Mega Job Fair ng Peso Valenzuela katuwang ang DZXL Radyo Trabaho

63

Sa Alert Center Multi-purpose Building Events Mall ng Valenzuela City Hall ay patuloy parin ang pagdagsa ng mga tao sa Mega Job Fair ng Peso Valenzuela katuwang DZXL 558 Radyo Trabaho.

Ito ang kauna-unahang job fair na inilunsad ng Valenzuela City government matapos ang mahigpit na quarantine status dahil sa COVID-19 pandemic.

Libo-libong mga job seeker ang pumunta kung saan punuan sa loob ng multi-purpose hall, kung saan marami ang natanggap on-the-spot sa isinagawang job fair.


Ayon kay Valenzuela City Mayor Wes Gatchalian, sabik na sabik na ang mga residente na magkaroon ng trabaho at nagpapasalamat sa mga katuwang sa mega job fair.

Aabot sa 50 kompanya ang nakilahok sa mega job fair kung saan libo-libong bakanteng trabahong ang naghihintay sa kanila.

Kabilang na rito ang nurse, driver, manager, cashier, encoder, mechanic, logistic supervisor, barista, baggers, stockman, sale clerk at marami pang iba.



Facebook Comments