Dumating na sa Indonesia si Department of Social Welfare and Development o DSWD Secretary at kasalukuyang Philippine Socio-Cultural Community o ASCC Leader Rex Gatchalian.
Nagtungo ang kalihim sa Indonesia upang dumalo sa 29th ASCC Meeting ngayon, May 8 at 42nd ASEAN Summit sa May 9 hanggang May 11, 2023.
Mainit na sinalubong si Gatchalian at ang kanyang Team ni Senior Advisor on International Cooperation to the Coordinating Minister of Human Development and Culture of the Republic of Indonesia Mr. Suparto.
Bunsod nito, natalakay ng dalawang opisyal sa kanilang naging friendly discussion ang mga isasagawang aktibidad sa 2023 ASEAN Summit.
Facebook Comments