Kalinga, Muling nakapagtala ng kaso ng South African variant

Cauayan City, Isabela-Muling nakapagtala ng kaso ng B.1.351 o South African variant ang lalawigan ng Kalinga, batay sa inilabas na datos ng Regional Epidemiological Surveillance Unit.

Sa nakalap na impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan, isang 28-anyos na babae mula sa Kapanikian, Pinukpuk Junction, Pinukpuk, Kalinga ang tinamaan ng naturang variant ng COVID-19.

Batay sa inisyal na ulat, nakuhanan ng specimen sample ang babae noong June 28, 2021.


Dahil dito, agad na nakipag-ugnayan ang Provincial Health Office sa RHU Pinukpuk para magsagawa ng inisyal na assessment sa pasyente at matukoy ang kasalukuyang sitwasyon upang makapagsagawa ng contact tracing sa mga posibleng close contacts gayundin ang paghahanap sa mga second at third generation contacts nito.

Sa kasalukuyan ay nakapagtala na ng 21 na kaso ng B.1.1.7 UK variants at dalawa naman sa B.1 351 o South African variants ang lalawigan.

Facebook Comments