Dagupan City – Nagsimula ng umarangkada sa mga barangay ang” Solar ko, Linisan ko”proyekto ng lokal napamahalaan ng Dagupan at ng Waste Management Division o WMD.
Sa proyektong ito pinulong ang bawat barangay captain upang magkaroon ng pagkakaisa sapagpapatupad nito at mapanatiling malinis ang bawatbarangay ng maiwasan ang mga sakit lalong lalo naang dengue. Ang bawat tao sa barangay ay inaanyayahan na makiisa sa nasabing proyekto.
Ayon kay Admin Officer Research ng WMD Davidson Chua dapat umanong magakaroon ng waste segregation at schedule sa pangongolekta ng basura.
Pinangunahan ni Mayor Belen Fernandez angprogramang “Solar ko Linisan ko” na nagsimula pa nong umupo ito sa termino, Sa tulong ng pamumunong WMD o Waste Management Division ng DagupanCity sa pamumuno ni Ronald De Guzman at Bernard Cabeson, Nagpatupad sila ng Programa para sa mgabarangay captain upang mapag- usapan ang mga dapat gawin.
Sa datos ng WMD, 3 Metric tons ang nakokolektasa regular na araw at doble naman ang bilang nito samga espesyal na okasyon na isinasagawa sa lungsod tulad na lamang ng Bangus Festival tuwing papasokang buwan ng Abril.
Ulat ni Jessica Paragas