Kalinisan ng mga istasyon ng pulis, ipinag-utos ni PNP Chief Eleazar upang maiwasan ang pagkalat ng Delta variant

48

Ipinag-utos ni Philippine National Police (PNP) Chief General Guillermo Eleazar na panatilihin ang kalinisan ng mga istasyon ng pulis upang maiwasan ng pagkalat ng COVID-19 Delta variant.

Ito ay matapos umabot sa 82 personnel ng Talipapa Police Station sa Quezon City ang nahawaan ng COVID-19 at pag-lockdown na rin ng istasyon ng pulis sa Iloilo City kung saan tinamaan ng virus ang 20 na pulis.


Ayon kay Eleazar, dapat laging malinis ang mga istasyon ng pulis, hindi lang sa compliance ng Intensified Cleanliness Policy (ICP) kundi para rin sa kaligtasan at seguridad ng lahat ng pulis.

Sa huling datos ng PNP, aabot sa 30,156 personnel ng pulis ang positibo sa kaso ng COVID-19 habang 82 naman dito ay nasawi.

Facebook Comments