Kalinisan sa Panagbenga binabantayan

Baguio, Philippines – Bilang ng tao sa Baguio Dumadami dahil sa Panagbenga Session Road in Bloom. Mahigit kumulang limang daang libong katao ang dumalo at nakisalo sa nakaraang parada sa Baguio, sa dami ng tao ay hindi maiiwasan ang pagdagsa ng tao at pati na rin ang mga basurang nakakalat.

At dahil dito ay sinigurado naman ng pamahalaang lungsod ang kalinisan at kaayusan ng Baguio lalo na at madaming turista ang umaakyat kada araw para makiisa at makisalo sa huling Linggo ng Flower Festival.

Tuwing umaga at hapon ay walang tigil ang mga street sweepers sa pagbabantay ng kalinisan sa Session Road para maiwasan ang sobrang kalat ng mga basurah hindi gaya noong nakaraang taon.
Samantala, ang mga truck collectors naman ay agarang hinahakot ang mga sako ng basura upang maiwasan ang pagbaho ng mga ito, at para na rin mapanatili ang kaayusan ng kapaligiran sa lungsod ng Baguio.


Kaya idol ugaliing itapon ang basura sa mga basurahan at wag lang itapon kung saan-saan

Facebook Comments