Nakakasiguro si Senator Panfilo ‘Ping’ Lacson na matatapos na ang kalituhan ng publiko sa pagtawag sa ranggo ng mga pulis at sundalo dahil nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas na nagtatama sa mga ito.
Ang tinutukoy ni Senator Lacson ay ang Republic Act 11200, kung saan iniaayon sa militar ang rank classification ng Philippine National Police (PNP).
Paliwanag pa ni Lacson, makakatulong din ito sa koordinasyon ng pamahalaan sa ibang bansa sa kampanya laban sa karahasan at terorismo.
Tiniyak naman ni Lacson na kahit nabago ang taguri sa mga ranggo ay hindi matutulad sa militar ang istruktura ng operasyon ng PNP.
Diin ni Lacson, mananatili ang civilian character ng pambansang pulisya na ang pangunahing mandato ay maghatid ng serbisyo at proteksyon sa bawat komunidad.
Sa ilalim ng bagong batas, narito ang mga bagong ranggo sa PNP:
* Director-General to Police General
* Deputy Director-General to Police Lieutenant General
* Director to Police Major General
* Chief Superintendent to Police Brigadier General
* Senior Superintendent to Police Colonel
* Superintendent to Police Lieutenant Colonel
* Chief Inspector to Police Major
* Senior Inspector to Police Captain
* Inspector to Police Lieutenant
* SPO4 to Police Executive Master Sergeant
* SPO3 to Police Chief Master Sergeant
* SPO2 to Police Senior Master Sergeant
* SPO1 to Police Master Sergeant
* PO3 to Police Staff Sergeant
* PO2 to Police Corporal
* PO1 to Patrolman/Patrolwoman