Puntirya ng Metropolitan Water Sewerage System (MWSS) na sa 2027 ay maramdaman na sa Metro Manila ang ginhawa na mula sa Kaliwa Dam project.
Ayon kay MWSS Administrator Leonor Cleofas, sa kalagitnaan ng 2026 ay posibleng matatapos na ang proyekto.
Natagalan ang pag-arangkada ng proyekto dahil matindi ang mga pagtutol ng mga katutubo sa lugar.
Maliban dito, tatlong watershed areas ang daraanan ng proyekto.
Pinawi naman ang pangamba ng mga taga-Infanta, Rizal sa posibleng pagkalubog ng kanilang komunidad gaya ng nangyari noong 2004.
Ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH), malayo na umanong mangyari ito dahil kasalukuyan na ang dredging sa Agos River at may apat na naitayong flood control project sa Infanta na ginastusan ng P80 million.
Kapag natapos na ang may 26 kilometers na tunneling mula Teresa at Morong, Rizal papasok ng Sierra Madre ay mapapasimulan na ang konstruksyon ng dam site.