BI, tiniyak na walang gagastusin ang pamahalaan sa deportation ng mga puganteng Hapones

Tiniyak ng Bureau of Immigration (BI) na walang gagastusin ang pamahalaan sa deportation ng foreign nationals.

 

Ayon kay Immigration Spokesperson Dana Sandoval, sagot ng mismong deportee ang gastusin sa deportation.

 

Kung talagang wala aniyang kakayahan ang deportee na gumastos para rito ay sinasagot ito ng kanilang embahada.


 

Tiniyak naman ni Sandoval na minamadali na ng BI ang implementasyon ng deportation sa apat na Japanese nationals lalo’t una nang sinabi ni Secretary Remulla na target nilang maipa-deport ang apat na Hapones bago pa ang nakatakdang biyahe sa Japan ni Pangulong Bongbong Marcos ngayong buwan.

Facebook Comments