KALIWA’T KANAN! | Selebrasyon ng Bonifacio Day, sinabayan ng protesta

Manila, Philippines – Sinabayan ng kaliwa’t kanang protesta ang pagdiriwang sa ika-115 kaarawan ng kapanganakan ni Andres Bonifacio.

Pasado ala-una kaninang hapon, nasa higit isang libong raliyista ang nagmartsa mula Mendiola patungong US embassy.

Pero hindi sila pinayagang makalapit sa embahada ng mga pulis kaya sa bahagi na lang ng Roxas Boulevard Corner Tm Kalaw, maynila nagsagawa ng program ang mga raliyista.


Sabay-sabay nilang sinunog doon ang effigy nina pangulong Rodrigo Duterte, US President Donald Trump at Chinese President Xi Jinping na tinawag nilang “puppwet”.

Nagdulot ng pagbibigat sa daloy ng trapiko ang mga aktibidad ng mga raliyista.

Nabatid na nasa 3,200 mga pulis ang ipinakalat sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila para masigurong maayos at payapa ang mga ginawang kilos-protesta.

Facebook Comments