Tinuturing ng Philippine National Police (PNP) na isolated case lamang ang nangyaring sunod-sunod na pag-atake at ambush sa mga pulitiko.
Ayon kay PNP Chief Police General Rodolfo Azurin Jr., base kase sa datos ng Directorate for Investigation and Detective Management, pababa na ang kaso ng krimen lalo na ang murder.
Paliwanag pa ng PNP chief na magkakaiba rin ang motibo sa pananambang.
Ani Azurin, base sa kanilang obserbasyon ay kadalasang nagaganap ang ambush kapag malayo ang target na pulitiko sa kanilang lugar.
Kasunod nito, ipinag-utos nito ang maigting na threat assessment sa mga pulitiko.
Matatandaan nitong Pebrero, sugatan sa pananambang si Lanao del Sur Governor Mamintal Alonto Adiong Jr., at ang isa niyang tauhan sa Kalilangan, Bukidnon habang patay naman ang apat nitong kasama kabilang ang tatlong pulis.
Habang nasawi naman ang vice mayor ng Aparri, Cagayan na si Rommel Alameda at limang iba pa sa Sitio Kinacao, Barangay Baretbet, Bagabag, Nueva Vizcaya.
Maliban dito, sugatan din sa pamamaril si Datu Montawal, Maguindanao Mayor Ohto Montawal sa Pasay City.