Mga residente ng apat na mga barangay sa Pasay City, ikinatuwa ang pagbisita ng DZXL Radyo Trabaho

Ikinagalak ng mga residente ng apat na mga Barangay ng Pasay City ang pagbisita ng DZXL Radyo Trabho team.

Ayon kay Barangay Chairman Rodrigo Francisco ng Barangay 169 Zone 17 sa Pasay City, napakalaking tulong sa kanyang mga nasasakupan ang ginawang Katok Bahay, Sorpresa Trabaho ng DZXL Radyo Trabaho sa kanyang nasasakupan dahil maraming mga residente ang walang hanapbuhay.

Binisita ng grupo ang mga Barangay sa Barangay 144, 165, 169 at 171 kung saan ay ikawalong Katok Bahay na ito at kabuuang 32 barangay na ngayong buwan ng Pebrero.


Bukod diyan, namimigay rin ang aming team ng exclusive Radyo Trabaho wall clock sa mga residente.

Facebook Comments