Kaliwat kanang kilos protesta aasahan ng PNP sa Metro Manila sa Labor Day

Inaasahan na ng Philippine National police ang dami ng mga magsasagawa ng kilos protesta Metro Manila sa May 1 labor day.

Kaya naman ayon kay PNP Chief Police General Oscar Albayalde, 3000 mga pulis ang idedeploy ng  National Capital Region Police para bantayan ang mga magsasagawa ng kilos protesta.

Aniya karamihan sa mga ito magpapakilalang mga caused oriented groups pero ang totoo ay gusto lamang manggulo.


Babala ni Albayalde sa mga lalahok sa kilos protesta mag ingat dahil mayroong mga grupong intensyon talaga ay manakit katulad nang mangyari sa Hacienda Luisita Massacre noong 2004 at Kidapawan massacre kung saan mga kalaban ng gobyerno ang naging dahilan ng gulo sa mga kilos protesta.

Giit pa ni PNP Chief gawain ng NPA na pagsamantalahan ang sitwasyon para lumikha ng kaguluhan na isisi sa Tropa ng pamahalaan.

 

Facebook Comments