Kaliwa’t kanang kilos-protesta, isinagawa sa lungsod ng Maynila

Mahigit 100 raliyista ang nagsagawa ng pagrorosaryo at ngayon ay nakikibahagi sa banal na misa sa labas ng Palacio del Gobernador sa Intramuros, Maynila

Kabilang sa kanila si dating Department of Information and Communications Technology (DICT) Sec. Eliseo Rio at mga retiradong opisyal ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) na mula sa Philippine Military Academy.

Ginugunita nila ang deklarasyon ng Batas Militar noong 1972 na ayon kay Father Robert Reyes ay hindi na dapat maulit sa kasalukuyan at susunod na panahon.


Hirit pa nila ang pagreporma sa sistema sa eleksyon sa bansa upang hindi na maulit ang mga dayaan gamit ang teknolohiya

Bukod dito, nagkasa rin ng kilos-protesta sa tapat ng US Embassy maging sa tapat ng Korte Suprema ang ibang grupo.

Matapos nito ay dederetso sila sa Liwasang Bonifacio at Mendiola para ipagpatuloy ang kanilang programa.

Facebook Comments