Kaliwa’t-kanang konstruksyon sa Metro Manila kasabay ng pagbubukas ng klase, pagpasensyahan muna

Manila, Philippines – Humingi ng pang-unawa ang lokal na pamahalaan ng Quezon City dahil sa ginagawang konstruksyon ng Metro Rail Transit Line-7.

Ito’y dahil sa 17,000 estudyante ang maapektuhan ng nasabing proyekto sa pagbabalik eskwela sa Hunyo a-singko.

Ayon kay QC administrator Aldrin Cuna – siyam na paaralan ang apektado ng road closure kabilang na ang mga malalaking pampublikong paaralan.


Sinabi ni Cuna – gumagawa na sila ng mga paraan para maibsan ang pagbigat ng trapiko sa mga kalsadang dadaraanan ng itinatayong MRT-7.

Bukod sa MRT-7 sa Commonwealth, ginagawa na rin ang dalawang bagong istasyon ng Light Rail Transit line-2 sa Masinag at Emerald sa Marcos Highway.

Patuloy din ang pagdudugtong ng NLEX-SLEX connection mula Osmeña highway hanggang balintawak.
DZXL558

Facebook Comments