Kaliwa’t-kanang paglabag, naitala ng Comelec

Manila, Philippines – Maraming paglabag agad ang naitala ng Commission on Elections (Comelec) sa unang araw ng kampanya ng mga tumatakbo sa pambansang posisyon sa 2019 midterm elections.

Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez – nagkalat na campaign posters at mga hindi otorisadong rally.

Aniya, 12 trak ng illegal poster na ang nahakot sa Metro Manila pa lamang kung saan karamihan ay mga ga-higante.


Marami ding banners na ikinabit sa hindi common poster areas.

Bukod dito, problema na rin ang ilang lokal na kandidato na sumabay na rin sa pangangampanya kahit sa katapusan pa ng Marso sila pwedeng mangampanya.

Una nang binalaan ng Comelec ang mga lalabag na kandidato na mananagot sila sa kaukulang election laws.

Facebook Comments