Senatorial candidates ng Hugpong ng Pagbabago, may kanya-kanyang pakulo sa kanilang kampanya

605

Kanya-kanyang diskarte at pakulo ang ibinida ng mga pambato sa Senado ng Hugpong ng Pagbabago (hnp) party-list ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na nangampanya kahapon sa Pampanga.

Ito ay kasabay ng unang araw ng campaign period kahapon.

Personal na inendorso ni Mayor Duterte ang pambato ng HNP na sina re-electionist Sonny Angara, Pia Cayetano, Cynthia Villar habang si Koko Pimentel ay hindi nakadalo kung saan siya ay ikinampanya ng kanyang asawa na si Kathryna.

Present din sina dating President Political Adviser Francis Tolentino, dating mamamahayag na si Jiggy Manicad, Maguindanao Representative Rajid Mangudadatu at Ilocos Norte Governor Imee Marcos.

Bitbit naman ni dating Special Assistant to the President Bong Go ang isang mascot.

Agaw-eksena naman ang magkapatid na JV Ejercito at Jinggoy Estrada kung saan isinantabi ng dalawa ang alitan at mismong si Jinggoy ang lumapit kay JV sa entablado para itaas ang kanyang kamay.

Nagbigay kilig naman sa mga kababaihan ang mala-action star na dating ni Bong Revilla.

Pinatawa at hinarana naman ni dating BuCor Chief Ronald Dela Rosa ang madla.

Biro ni Dela Rosa – para mabilis na matutunan ang isang dayalekto ng nililigawan ay halikan ito sa labi.

Facebook Comments