Kaliwa’t kanang reklamo kaugnay sa problema sa NAIA, natanggap ng isang kongresista mula sa mga OFW

Kinalampag ni OFW Party-list Representative Marissa “Del Mar” Magsino ang Department of Migrant Workers (DMW) at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).

Ito ay kasunod ng kabi-kabilang sumbong at reklamo na nakarating sa kanyang tanggapan mula sa Overseas Filipino Workers (OFWs) dahil sa malaking abala at perwisyo na nilikha ng ‘air traffic system glitch’ sa Ninoy Aquino International Aiport (NAIA).

Bunsod nito ay tiniyak ni Magsino ang mahigpit na pagbabantay sa magiging aksyon ng DMW at OWWA, kasama na ang pagtatalaga ng mga hotline numbers na maaaring matawagan ng mga apektadong OFW.


Buo rin ang suporta ni Magsino sa mga panukalang hihimay sa nangyaring flight disruptions upang malaman ang puno’t dulo ng aberya at ang mga solusyong dapat ilapat.

Giit ni Magsino, hindi na dapat maulit mangyari ang ganitong perwisyo, lalo na sa ating mga OFWs na pabalik sa kanilang mga pinagtatrabahuhang bansa.

Facebook Comments