KALIWA’T KANANG SOLUSYON LABAN SA BAHA SA LUNGSOD NG DAGUPAN, UMAARANGKADA

Patuloy ang konstruksyon ng kaliwa’t kanang mga flood mitigation projects ng lokal na pamahalaan ng Dagupan katuwang ang iba pang ahensya na may layong pa ring masolusyunan ang matagal nang problema ng lungsod – ang pagbaha.
Alinsunod dito, patuloy sa pagsasaayos at paggawa ng mas malalaking drainage system lalong lalo na ang mga bahagi sa lungsod na flood prone areas.
Gayundin ang proyektong road upgrading at widening na parehong makatutulong upang maibsan ang pagbaha sa syudad.

Samantala, matatandaan na nagkaroon ng mga pulong sa pagitan ng Department of Public Works and Highways o DPWH at ng lokal na pamahalaan ng lungsod, kasama pa ang ilang mga owners ng business establishment upang mas organisado ang nagpapatuloy na konstruksyon ng mga proyektong laban baha. |ifmnews
Facebook Comments