Cauayan City, Isabela- Hindi pa rin madaanan ang 29 na panguhaning kalsada sa 13 bayan at siyudad sa lalawigan ng Cagayan dahil sa naging epekto ng Bagyong Vicky na nagdulot ng pag-uulan.
Batay sa datos ng PDRMMO Cagayan, 13 tulay ang nananatiling lubog pa rin sa tubig baha partikular ang Pinacanauan/Capatan overflow bridge sa Tuguegarao City.
Kinabibilangan ng mga bayan ng Baggao, Gattaran, Sta. Ana, Amulung, Alcala,Tuao, Sto. Niño, Lasam, Rizal, Enrile, Peñablanca, at Solana ang mga lugar na lubog ang pangunahing mga kalsada at tulay bunsod ng nangyaring buhos ng ulan.
Sa kabila nito, tuloy-tuloy pa rin ang pamamahagi ng tulong sa mga pamilyang naapektuhan ng malawakang pagbaha sa probinsya.
Facebook Comments