Kalusugan, ekonomiya, pananagutan sa taumbayan, dapat iprayoridad ng susunod na administrasyon

Kalusugan, ekonomiya at pagkakaroon ng pananagutan sa taumbayan ang magiging prayoridad ni Senador Panfilo “Ping” Lacson sakaling siya ay mahalal bilang pangulo sa 2022.

Para kay Lacson, bagama’t importante na masiguro ang pag-ahon ng bansa mula sa pandemya, mahalaga rin na mapanagot ang mga tiwaling opisyal sa gobyerno na nagnanakaw sa taumbayan.

Ayon kay Lacson, hindi mapaghihiwalay ang health and economy dahil hindi mareresolba ang problem ng ekonomiya kung hindi tutugunan ang pandemya.


Nauna nang sinabi ni Lacson na ang mga isyu na bunsod ng pandemya ay kabilang sa malalaking problema na kahaharapin ng susunod na lider ng bansa.

Muli ring iginiit ni Lacson na hindi palalampasin ng kaniyang administrasyon ang mga nagnakaw sa kaban ng bayan, kabilang na rito ang mga tiwaling opisyal ng mga nakaraang administrasyon.

Diin ni Lacson, hindi pwedeng patawarin ang lahat lalo na ang mga umabuso sa kaban ng bayan kaya dapat silang managot.

Facebook Comments