Resulta ng SWS survey na nagsasabing mayorya ng mga Pilipino ang optimistic sa darating na 2022, ikinatuwa ng Malakanyang

92

Ikinalugod ng Palasyo ng Malakanyang ang SWS survey result na nagsasabing mayorya o 93% ng mga Pilipino ang optimistic o positibo pa rin sa darating na 2022.

Ayon kay acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles, magandang trait ito ng mga Pinoy, sabay sabing nandito lamang ang inyong pamahalaan upang gawin ang lahat ng makakaya nito.

Pero binigyang diin ni Nograles na mahalaga ang pagtutulungan ng bawat isa upang malampasan ang bawat pagsubok tulad nang nagdaang kalamidad at ang COVID-19 pandemic.


Sinabi pa ng kalihim na sa paglagda ngayong araw ni Pangulong Rodrigo Duterte ng proposed 2022 national budget ay makakaasa ang taumbayan na sa nalalabing anim na buwan sa termino ng pangulo ay ipatutupad at pabibilisin ang lahat ng mga programa at proyekto bago pa man tamaan ng election ban.

Ang nasabing survey ay isinagawa nitong Disyembre 12-16, 2021.

Facebook Comments