Kalusugan ng mga Daycare Center Pupils, Siniguro ng LGU Ilagan

Ilagan City, Isabela – Namahagi ng isa at kalahating milyong piso ang pamahalaang panglungsod ng Ilagan kahapon Pebrero 1, 2018, upang masiguro na may masusustanyang pagkain at mabigyan ng sapat na atensyong pangkalusugan ang lahat ng mga batang nag-aaral sa Daycare Center sa bawat barangay ng Ilagan.

Ayon kay Mayor Evelyn Diaz, ito ay bahagi pa rin ng kanilang programa upang matugunan ang anumang mga pangangailangan ng mga mag-aaral sa lahat ng antas ng paaralan.

Maliban sa tulong pinansyal nagbigay rin ang City Social Welfare and Development Office, sa pangunguna ng kanilang pinuno, ng mga bigas at grocery items upang maging tuluy-tuloy ang kanilang feeding program at masiguro ang maayos at malusog na kalusugan ng mga mag-aaral.


Naging saksi sa nasabing aktibidad ang mga opisyal ng pamahalaang lungsod ng Ilagan, sa pangunguna ni Mayor Diaz na masaya namang tinanggap ng mga guro ng Daycare Center.

Facebook Comments