MANILA – Palalakasin ni Senadora Grace Poe ang serbisyong pangkalusugan sa mga nayon sa pamamagitan ng pagtatayo ng maraming polyclinics sa liblib na komunidad at pagpapalakas sa mga barangay health centers.Layon nito na maiwasan ang pagkamatay ng mga ina sa bansa dahil sa komplikasyon sa pagbubuntis at panganganak.Pangunahing isusulong ni Poe ang pangangalaga sa kalusugan ng mga ina at bata mula sa mga health center at rural health units.Sa isang ulat ng World Health Organization (WHO), ipinakikita na 25 porsyento lang ng mga buntis na nasa pinakamahirap na sektor ng Pilipinas ang nanganak sa tulong ng isang mahusay na birth attendant kumpara sa 94 porsyento sa may kayang kababaihan.Kung mahahalal, nangako si Poe at running mate na si Sen. Francis “Chiz” Escudero, na maglalaan sila ng 20 percent ng pambansang badyet sa kanilang tatlong prayoridad na proyekto: kalusugan, edukasyon at pabahay.
Kalusugan Ng Mga Ina At Bata, Tututukan Ni Senadora Grace Poe
Facebook Comments