KAMAG-ANAK DAW ni Executive Secretary SALVADOR MEDIALDEA, Tiklo sa Drug-Ops

Huli sa magkahiwalay na drug-buy-bust operation sa bayan ng Baao, Camarines Sur, ang apat katao, kabilang na ang nagsabing kamag-anak umano siya ni Executive Secretary Salvador Medialdea.

Sa isinagawang drug-buy-bust operation ng PDEA Camarines Sur, kasama ang mga tauhan ng PNP Baao, kamakalawa, bandang 1:15 ng madaling araw sa Lendes Tourist Inn, Barangay La Medalla, Baao, Camarines Sur, naaresto sina RYAN MEDIALDEA Y PRIMA, ROMEO GUEVARRA aka Mansy/Amang, at CHRISTIAN BAÑARA aka Chano.

Ayon sa report, tinangka pa umanong mag-name-drop ng isa sa mga suspects na si Ryan Medialdia na malapit na kamag-anak umano siya ni Executive Secretary Salvador Medialdea. Pinasinungalingan naman ito ng Executive Secretary sa interview ng mga taga-media.


Umaabot sa 480,000 pesos ang estimated value ng nakumpiskang pinaghihinalaang shabu mula sa mga natiklong drug dealers.

Samantala, sa Barangay Sta. Teresita sa bayan pa rin ng Baao sa Camarines Sur, isa pang drug-buy-bust operation ang matagumpay na naisagawa ng mga PDEA Agents kung saan naaresto rin ang isang kinilalang si Leo Peyra at nakumpiska ang shabu na nagkakahalaga ng nasa 300,000 pesos.



Facebook Comments