Kamag-anak ni DILG Sec. Benhur Abalos, arestado sa entrapment operation ng MMDA

Inaresto ng mga awtoridad ang pamangkin ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos dahil sa pag-operate ng colorum na van.

Kinilala ang suspek na si Jaz Abalos na nagtangka ring arborin ang naka-impound na van.

Arestado rin ang driver ng colorum na van na si Antonio Mirasol dahil sa pagprisinta nito ng pekeng driver’s license.


Sila ay nahaharap sa mga kasong falsification of public documents with conspiracy, estafa, resistance and disobedience, at light threat.

Ang entrapment operation ay ginawa ng pinagsanib na pwersa ng MMDA, DILG, at DOTr.

Facebook Comments