KAMALAYAN NG KABATAAN AT KANILANG MGA MAGULANG UKOL SA MENTAL HEALTH, PINALALAKAS SA BUGALLON

Itinampok ang kahalagahan ng matibay na ugnayan ng kabataan at kanilang mga magulang bilang mahalagang bahagi ng solusyon sa dumaraming kaso ng mental health sa bansa, sa inilunsad na programa sa Brgy. Umanday, Bugallon.

Sa naturang aktibidad, 25 kabataan at 20 magulang ang lumahok sa isang talakayan na sumentro sa mga epekto ng iba’t ibang mental health challenges tulad ng suicide, stress, anxiety, at depression.

Layunin ng programa na pagtibayin ang ugnayan ng magulang at anak upang makalikha ng isang ligtas at bukas na espasyo para sa komunikasyon, kung saan malayang naipapahayag at napag-uusapan ang mga suliranin bago pa ito lubos na makaapekto sa kanilang kalusugang pangkaisipan.

Isinasagawa taun-taon ang naturang aktibidad ng isang religious group sa Bugallon bilang bahagi ng kanilang adbokasiya na palawakin ang kamalayan sa mental health, isang isyung patuloy na nakaaapekto sa buhay ng maraming Pilipino. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments