
Pinalakas ang kamalayan sa mga karapatan ng kababaihan sa San Carlos City sa pamamagitan ng isinagawang Magna Carta Seminar bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Women’s Month.
Dinaluhan ang programa ng iba’t ibang sektor kabilang ang mga empleyado ng lokal na pamahalaan, Barangay Nutrition Scholars, Barangay Health Workers, mga miyembro ng KALIPI, Barangay Service Point Officers, at iba pang organisasyon.
Tinalakay sa seminar ang mahahalagang probisyon ng Republic Act 9710 o Magna Carta of Women, kabilang ang pantay na oportunidad sa trabaho, proteksyon laban sa diskriminasyon at karahasan, access sa serbisyong pangkalusugan at edukasyon, at ang papel ng kababaihan sa pamamahala at pagdedesisyon.
Binigyang-diin din ang kahalagahan ng patuloy na edukasyon at aktibong pakikilahok ng kababaihan upang mapanatili ang kanilang proteksyon at kapakanan sa komunidad.
Ayon sa mga dumalo, nakatulong ang seminar sa pagpapalawak ng kanilang kaalaman tungkol sa kanilang mga karapatan.
Bahagi ang aktibidad ng patuloy na kampanya ng lokal na pamahalaan upang isulong ang gender equality at suportahan ang mga programa para sa kababaihan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










