KAMANDAG exercise sa pagitan ng sundalong Pilipino at Amerikano sa bansa, tatapusin na

Manila, Philippines – Magtatapos na bukas ang sampung araw na KAMANDAG Bilateral Exercise sa pagitan ng tropa ng Philippine Marines at 3rd Marine Expeditionary Brigade ng Estados Unidos.

Ayon kay Captain Rowena Dalmacio, ang tagapagsalita ng Philippine Marines, Guest of honor and speaker sa gagawing closing ceremony bukas si Executive Director of the Presidential Commission on the Visiting Forces, Pedro Cesar C Ramboanga Jr.

Isasagawa ang closing ceremony sa Acero Hall, Marine Barracks Rudiardo Brown, Fort Bonifacio, Taguig City.


Ang KAMANDAG exercise ay nagsimula noong October 2 at magtatapos bukas.

Ang pagsasanay na ito ay ginawa sa Ternate Cavite, Zambalez, Tarlac at Aurora.

Ang KAMANDAG bilateral exercise ay taunang aktibidad sa pagitan ng mga sundalong Pinoy at Amerikano na layong magtulungan upang mas mapaunlad ang kanilang mga kaalaman sa pagsasagawa ng security at humanitarian operation upang maayos na makaresponde sa anumang kalamidad.

Facebook Comments