Manila, Philippines – Inamin ni House Committee on Housing and Urban Development Chairman Albee Benitez na may pagkukulang ang Kamara sa paglala ng housing problem sa bansa.
Sa kabila ng sinisisi nito ang National Housing Authority sa kawalan ng konsultasyon sa mga benepisyaryo ng pabahay ay may shortfall aniya dito ang gobyerno.
Ayon kay Benitez, patuloy na naglalaan ang Kongreso ng pondo sa proyekto tulad ng pabahay ng NHA na hindi naman pala napapakinabangan at hindi epektibo.
Taong 2010 pa aniya nagsimula ang pag-appropriate o paglalaan ng pondo para sa AFP at PNP housing ng NHA na umaabot ng 5 milyong piso kada taon.
Aminado si Benitez na hindi nila ganoon na nagampanan ang tungkulin ng oversight function ng Kamara na silipin ang mga programa na kinakitaan ng problema o pagkukulang.
Dahil dito’y tiniyak ng kongresista na babantayan na nila ang mga proyekto ng nha para masigurong pakikinabangan ang ipinatatayong mga bahay.
Dagdag pa dito na dapat ay dumaan ang NHA sa konsultasyon ng mga intended beneficiaries upang hindi masabing basta na lamang sila gumawa ng proyekto.
DZXL558