Ilalatag ngayong araw ng liderato ng Kamara at kasama ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang ilang short term relief package para sa mga manggagawang apektado ng community quarantine dahil sa COVID-19.
Ayon kay House Speaker Alan Peter Cayetano, tinitignan nila ang ilan sa mga ipinatupad nang programa ng pamahalaan upang makatulong sa mga indibidwal na apektado ang trabaho at hanap-buhay dahil sa community quarantine.
Kabilang sa mga programa na maaaring gamitin ay ang Pantawid Pasada Program para sa mga tricycle at jeepney drivers gayundin ang Tulong Panghanap-buhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers o TUPAD program para sa mga displaced workers.
Dagdag pa sa suhestyon ni Cayetano ay ang cash for work program na kung saan kapag ang isang indibidwal na siyang bread winner ng pamilya ay magpositibo sa COVID-19 o kailangang sumailalim sa self-quarantine, maaari itong bigyan ng pinansyal na ayuda basta’t mananatili ito sa bahay.
Maaari, aniyang, illogical ang naturang patakaran ngunit maituturing na extraordinary case ang sitwasyon na nangangailangan din ng extraordinary solution.
Tiniyak naman ng DSWD sa Kamara na may sapat silang pondo para sa pantawid programs