Kamara at Senado, muling nagpulong para sa pagsasapinal ng isasagawang canvassing sa presidente at bise presidente

Muling nagpulong ang Mataas at Mababang Kapulungan ng Kongreso para isapinal ang canvassing o pagbibilang ng boto sa mga kandidato sa presidente at bise presidente nitong katatapos na 2022 eleksyon.

Sa Mayo 24 napagkasunduan ng dalawang kapulungan na simulan ang canvassing na target namang tapusin hanggang Mayo 27 o 28.

Sa timeline na napagkasunduan ng Kongreso, sa Mayo 23 sa pagbabalik sesyon ay magko-convene ang dalawang Kapulungan bilang National Board of Canvassers o NBOC.


Sa umaga ng May 23 ay ililipat ang mga ballot box na naglalaman ng Certificates of Canvass o COCs at Election Returns o ERs mula sa tanggapan ng Senado sa lungsod ng Pasay patungo sa Batasan Pambansa sa Quezon City.

Ikakasa ang “canvassing proper” ganap na alas-2:00 ng hapon ng Mayo 24.

Sa mga susunod na araw hanggang matapos ang canvassing ay isasagawa naman mula alas-10:00 ng umaga hanggang alas-10:00 ng gabi.

Facebook Comments