Cha-cha, kailangang gawin para mabuwag ang party-list system

181

Sang-ayon si Committee on Electoral Reforms Vice Chairman Senator Koko Pimentel sa mga panawagan na repasuhin o buwagin na ang party-list system.

Ayon kay Pimentel, parang kabute na nagsulputan ang mga party-list groups at malayo na ang tunay na intensyon nito sa layunin ng kanilang mga kinatawan.

Pero paliwanag ni pimentel, mangangailangan ng pag-amyenda sa ating saligang batas bago mabuwag ang party-list system.


Sa tingin ni Pimentel, pwede itong isulong sa 19th Congress’s gayunpaman, depende ito kung kasama ang charter change sa mga proyoridad ng incoming Marcos administration.

Facebook Comments