Kamara at Senado, tinalakay ang mga nakabinbing legislative measures at ang nalalapit na SONA ng Pangulo

Nagsagawa ng pulong ngayong araw ang dalawang lider ng Kongreso para talakayin ang mga nakabinbing legislative measures.

Magkasama sa nasabing pulong sina Senate President Vicente Tito Sotto III at House Speaker Lord Allan Velasco.

Sa panig ng Kamara ay target na maaprubahan bago ang sine die adjournment ngayong linggo ang Resolution of Both Houses No. 2 o ang panukala na pag-amyenda sa economic provisions ng 1987 Constitution at ang Bayanihan to Arise as One Act o Bayanihan 3.


Tinalakay rin sa pulong ang posibleng scenario para sa huling State of the Nation Address o SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte sa July 26.

Sa ngayon ay wala pang abiso kung papaano isasagawa ang SONA dahil mayroon pa ring pandemya dala ng banta ng COVID-19.

Pero matatandaang naunang sinabi ni Velasco na posibleng ipatupad ulit ang set-up noong nakaraang taong SONA kung saan limitado lamang ang mga pinayagan na personal na makadalo.

Kapwa tiniyak nina Velasco at Sotto na patuloy ang koordinasyon at ugnayan ng Kongreso partikular para sa mga prayoridad na panukalang batas sa mga nalalabing buwan ng 18th Congress at kahit pa sumapit na ang 2022 election.

Facebook Comments