Kamara, babantayang mabuti ang pagbibigay ng special risk allowance sa mga healthcare worker

Umapela ang ilang kongresista sa Kamara para sa mga magpapatupad ng Republic Act 11712 na hindi na dapat magkaroon ng delay sa pagbibigay ng special risk allowance sa lahat ng mga healthcare workers sa bansa.

Paalala ng Kamara, babantayan nilang mabuti sa Kongreso ang implementasyon ng batas.

Bukod dito ay susubaybayan din ng Kongreso ang pagbalangkas ng mga alituntunin at regulasyon upang matiyak ang agarang pagbibigay ng tuluy-tuloy na benepisyo sa lahat ng health workers sa bansa lalo na sa panahon ng pandemya at iba pang health emergencies.


Sa ilalim ng “Public Health Emergency Benefits and Allowances for Health Care Workers Act” ay nagkaroon ng kategorya at pamamaraan para matiyak na mabilis na makararating sa mga health workers ang SRA.

Hindi na dapat maulit ang parehong pagkakamali noong 2020 at 2021 kung saan sobrang tagal na nga ay kapos pa ang allowance na ibinigay sa mga health workers.

Sa ilalim ng batas ay makatatanggap ng karampatang benepisyo at allowances ang lahat ng health care workers, sa public at private, gayundin ang mga non-health care workers sa loob ng panahon na may pandemya.

 

Facebook Comments