Kamara, balak na ring silipin ang ambush-slay case ni Calbayog City Mayor Ronald Aquino

Pinapaimbestigahan ni Samar Rep. Edgar Sarmiento sa Kamara ang ambush-slay case kay Calbayog City Mayor Ronald Aquino.

Sa House Resolution 1633 na inihain ni Sarmiento, inaatasan ang House Committee on Public Order and Safety na imbestigahan “in aid of legislation” ang aniya’y “senseless murder” kay Aquino at sa tatlo nitong bodyguards.

Ayon kay Sarmiento, mayroong mga pagdududa sa naganap na insidente kahit pa sinasabi ng Philippine National Police (PNP) na lehitimo ang kanilang operasyon.


Batay aniya sa mga ulat at testimonya ng mga testigo, mga pulis ang sangkot sa pag-atake at pamamaslang sa alkalde.

Sinabi ni Sarmiento na marapat na silipin ito ng mga mambabatas upang makabuo ng batas para maiwasan ang kahalintulad na insidente at mapanagot sa batas ang mga responsable sa krimen.

Facebook Comments