Tracker Teams, Binuo para Mahanap ang Nawawalang Policewoman sa Cagayan

Cauayan City, Isabela- Bumuo na ng mga tracker teams ang Cagayan Police Provincial Office at PNP Lasam upang mahanap ang kinaroroonan ng nawawalang pulis na si PMSg. Jovelyn Camangeg.

Ayon sa hepe ng PNP Lasam na si Police Major Reynaldo Viernes, nagtutulungan na ang lahat ng kapulisan sa lalawigan maging ang PNP Lasam kung saan nakatalaga ang babaeng pulis para sa mga gagawing hakbang upang mahanap ang kinaroroonan at kung ano ang sinapit nito.

Si MSg. Camangeg ay pinaghahanap mula pa noong ika-19 ng Pebrero taong kasalukuyan.


Mayroon na rin ginagawang koordinasyon sa lahat ng mga bayan sa Lalawigan at karatig probinsya upang makita sa mga CCTV kung napadaan ang sinasabing sasakyan ng pulis.

Bagamat may mga nakikitang anggulo ang kapulisan ay kanila pa umano itong aaraling mabuti.

Sa ngayon ay dalawampung (20) araw ng nawawala ang nasabing pulis.

Facebook Comments