Kamara, bukas na pagaralan ang panawagan na ibasura ang Rice Tariffication Law

71

 

Bukas ang liderato ng Kamara na pag-aralan kung dapat na ibasura ang Rice Tariffication Law (RTL).

 

Ito ay matapos tanggapin nila House Speaker Alan Peter Cayetano at House Majority Leader Martin Romualdez ang petisyon ng iba’t ibang grupo ng mga magsasaka na humihiling na i-repeal na ng rice liberalization law.


 

Aabot sa 50,000 na mga petitioners ang pumirma sa manifesto.

 

Ayon kay Romualdez, nararapat lamang na pakinggan ang lahat ng sektor.

 

Isasalang naman sa pagdinig ng House Committee on Agriculture and Food ang 2 panukalang nagpapabasura at isang panukalang nag-aamyenda sa batas sa pagluwag sa pag-iimport ng bigas.

 

Ayon kay Committee on Agriculture and Food Chairman Wilfrido Mark Enverga, sisimulan nilang talakayin sa Disyembre ang mga panukala.

 

Welcome naman aniya sa kanilang komite ang anumang hakbang na makakatulong para matigil na ang pagkalugi ng mga local farmers dulot ng RTL.

 

Bagamat ikinukunsidera pa lamang ni Pangulo Duterte ang suspensyon sa importasyon ng bigas, naniniwala naman si Enverga na ang pagpapatigil sa pag-aangkat o pagtatakda ng mas mahigpit na safeguard measures ang makakatulong para maibsan ang negatibong epekto ng Rice Liberalization law sa mga magsasaka.

Facebook Comments

From Advertisers