Bukas ang Mababang Kapulungan ng Kongreso para sa pagtalakay ng Charter Change o Cha-Cha.
Ayon kay Majority Leader Martin Romualdez, bagama’t hindi kasama sa prayoridad ni Pangulong “Bongbong” Marcos Jr., noong kampanya ang Cha-Cha, mananatili namang bukas ang Kamara para sa usaping ito.
Paliwanag ni Romualdez, ang pagtalakay sa Cha-Cha ay bahagi ng demokrasya at katunayan makailang beses na itong naihain sa Kongreso.
Mababatid na inihain ngayong 19th Congress ni Pampanga Rep. Aurelio “Dong” Gonzales ang Resolution of Both Houses No.1 kung saan itinutulak dito ang limang taong fixed term na may isang beses na re-election para sa presidente at bise presidente.
Ganito rin ang proposal ng mambabatas para sa mga kongresista at mga local elective officials.
Ipinapanukala rin dito ang tandem voting para sa mga kandidato sa pangulo at pangalawang pangulo.