Bowling legend na si Bong Coo, itinatalaga bilang bagong PSC Commissioner

52

Itinalaga bilang isa sa apat na commissioner ng Philippine Sports Commission si Filipina bowling legend na si Olivia “Bong” Coo.

Ito ang inanunsyo ng PSC kahapon kung saan ay sinalubong ito ni executive director Atty. Guillermo Iroy Jr.

Si Coo ay nagdala ng malaking parangal para sa Pilipinas kung saan nag-uwi ito ng limang gold medals, two silver at three bronze sa Asian Games at walong gold medal sa SEA Games sa panahon ng kaniyang katangyagan.


Matapos ang pagkakatalaga ni Coo ay papangalanan pa ng PSC ang isang chairman at ang tatlong natitirang commissioner.

Facebook Comments