Bumuo na ng Congress Rehabilitation Plan ang Mababang Kapulungan na layong tulungan sa rehabilitasyon ang mga taga-Mindanao na tinamaan ng malakas at magkakasunod na lindol.
Ayon kay House Speaker Alan Peter Cayetano, inirekomenda ni Disaster Management Committee Chairman Lucy Torres-Gomez ang paglikha ng Congress rehab plan dahil marami na ang nakatutok sa relief efforts.
Sinabi ni Cayetano na nariyan na ang LGUs, mga first responders at rescue teams para tutukan ang mga pangunahing kailangan na aid at relief para sa mga biktima ng lindol.
Tingin ng Kamara, mas magiging epektibo ang Kongreso sa rehabilitasyon para sa mabilis na pagbangon ng mga taga-Mindanao.
Maliban sa pagbuo ng rehabilitation plan ay nag-ambagan din ang mga kongresista ng tulong na kinuha mula sa kanilang mga sweldo.
Marami na aniyang mga mambabatas ang nag-pledge ng tulong at nagbigay na rin ng cash gayundin ay nagsagawa din sila ng asessment para alamin pa ang mga kailangan ng mga biktima ng lindol.