Kamara, bumuo ng isang TWG para balangkasin ang panukalang pag-amyenda sa K-to-12 program

Inaprubahan na ng House Committee on Basic Education and Culture na pinamumunuan ni Pasig Representative Roman Romulo ang panukalang pag-amyenda sa K-to-12 program.

Bunsod nito ay isang Technical Working Group (TWG) ang binuo ng komite na syang babalangkas sa final version ng panukalang K-to-10 plus 2 program na inihain ni dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Representative Gloria Macapagal Arroyo.

Sa panukala ay ibabalik sa 10 taon ang basic education at magkakaroon ng dagdag na dalawang taon para sa mga nais tumuloy sa professional degree.


Ayon kay Deputy Speaker Arroyo, paraan din ang panukala upang bigyan ng kalayaan ang Department of Education (DepEd) na magpatupad ng reporma sa K-to-12 program.

Facebook Comments