Flights ng PAL sa Northern Luzon, kanselado na dahil sa Bagyong Betty

Bilang paghahanda sa Bagyong Betty, nagkansela na ang Philippine Airlines (PAL) ng kanilang flights sa mga lugar na apektado ng bagyo simula sa Lunes, May 29.

Kabilang sa mga kinansela ng PAL ang kanilang flights sa mga sumusunod na ruta:

May 29, 2023


PR2932/2933 Manila – Basco – Manila
PR2198/2199 Manila – Laoag – Manila
PR2230/2231 Cebu – Baguio – Cebu

May 30, 2023

PR2196/2197 Manila – Laoag – Manila
PR2198/2199 Manila – Laoag – Manila
PR2932/2933 Manila – Basco – Manila

May 31, 2023
PR2932/2933 Manila – Basco – Manila
PR2936/2937 Manila – Basco – Manila

Ngayong araw naman ay kanselado ang flight ng PAL patungo ng Nagoya, Japan at pabalik ng Manila.

Facebook Comments