Tiniyak ni House Speaker Lord Alan Velasco na agad maaaprubahan ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang Bayanihan 3 na layong alalayan ang ekonomiya at mabigyan ng tulong ang mga Pilipinong nasapol ng COVID-19 pandemic.
Ang pahayag ng Speaker ay kasunod na rin ng pagkakaapruba ng tatlong komite sa Kamara ng Bayanihan 3 na may pondong ₱405.6 billion.
Ayon kay Velasco, determinado ang Kamara na agad maipasa ang panukala.
Aniya, sa oras na magbalik sesyon ang Kongreso sa May 17 ay mamadaliin nila ang pagpapatibay sa Bayanihan 3.
Kumpyansa pa si Velasco na kaunting pag-uusap na lamang sa pagitan ng Department of Finance (DOF) ay maaaprubahan na ang Bayanihan 3.
Katunayan, ay madalas aniya ang ugnayan ng Kamara at DOF partikular sa pagtiyak ng funding sources ng lifeline measure.
Tiwala pa si Velasco na ang ikatlong economic stimulus package ay makapagbibigay ng kinakailangang tulong ng mga pinakamahihirap na indibidwal, pamilya at maliliit na negosyong pinabagsak ng pandemya.