Kinatigan ng House Committee on Good Government and Public Accountability ang mosyon na padalhan ng liham ang Professional Regulation Commission (PRC), Department of Health (DOH) at Office of the President (OP) kaugnay sa imbestigasyon at pagbawi sa lisensya ng mga doktor na nagreseta ng Ivermectin sa isinagawa noong Panthree sa Quezon City.
Sa motu proprio investigation ng komite, nagmosyon si AnaKalusugan Partylist Rep. Mike Defensor na sulatan ang PRC para irekomenda na i-hold o ihinto muna ang imbestigasyon at huwag i-revoke ang lisensya ng mga naturang doktor.
Para kay Defensor, kailangan na ng intervention o panghihimasok dito ng Pangulo.
Sumaklolo na rin sina House Deputy Speaker Bernadette Herrera at SAGIP Partylist Rep. Rodante Marcoleta.
Agad namang inaprubahan ng komite ang mosyon sa pangunguna ni DIWA Partylist Rep. Michael Aglipay na Chairman ng komite.
Giit ni Defensor, marapat na pabayaan na lamang ang mga doktor na mag-prescribe ng Ivermectin laban sa COVID-19 at payagan na ang taong bumili sa katwirang marami nang namamatay dahil sa sakit.
Sa panig ni Herrera, hindi dapat bawiin ang lisensya ng mga doktor dahil wala namang sapat na ebidensya at walang batas na direktang nagsasabi na iligal at bawal ang ginawa nilang prescription